Ang kaligayahan tuwing kapaskuhan na kay sarap lasapin ninanamnam ang bawat bunga nito.Kaya mahalaga ang kaligayahan Tuwing kapaskuhan dahil hitik ito sa mga maliligayang pangyayari sa buhay.Kagaya na lamang ng;
Pagkumpleto ng Misa De Gallo,
Pangangaroling kasama ang mga kaibigan,
Pagdalo ng christmas party,
Pagdiwang sa aking kaarawan,
Paghanda ng mga kakanin at
Ang pagdiwang sa pagsilang ni Hesus.Kung ito'y isa isahin pareho lamang ang maaaring maidudulot nito,ang pagiging masaya.
Napaka importante sa buhay ang pagiging masaya.Isa sa nagiging daan nito ay ang pagdiwang ng kapaskuhan.Dahil ang kaligayahan tuwing kapaskuhan sa pinas ay walang kapantay.Dito naipapakita ang pagbibigayan,pagmamahalan,at pagdadamayan.Yan ang mga ala-alang di dapat palalampasin tuwing kapaskuhan.Dapat di natin ilagay ang pangyayaring ito na parang wala lang.Ang pangyayaring ito hindi dapat binabaliwala dapat ito ay pinapahalagahan.Dahil dito masasalamin ang pagkakaisa ng bawat pilipino.Kung magbabalik tanaw tayo sa mga nakaraan.Mapapangiti tayo dahil sa mga taong kasama mo na nagdiwang sa kapaskuhan at siya ring kasama mo ngayon.Masasabi mo talagang "Thank You God".
Dapat ang mga masasayang araw na kasama mo sila ay hinding hindi kakalimutan,sapagkat ito'y gawing kayamanan at inspirasyon upang tayo ay maging masaya.Dapat kailangang pahalagahan pa ang mga taong ito dahil sila ang daan upang tayo ay maging masaya.
Pagpapasalamat at pagpapahalaga ay isang magandang gawain tuwing pasko.Sa bawat pagmamahal pagpapahalaga at pagbibigayan ng mga regalo na ipinapakita dapat may kasabay itong kapalit.Kapalit na makakapagpaligaya sa kanya.Pero mas mainam parin ang kasabihan na " Its better to give than to recieve" na siyang tunay na kahulugan ng "Kaligayahan Tuwing Kapaskuhan."
Kaya pasko'y ating pinakahinihintay
Dapat ito'y ating pinapahalagahan,
Dahil dito nakikita na tayo ay tunay na masaya.
Mga taong nasa paligid wag didmahin. Sapagkat sila ang daan kung bakit tayo naging masaya.
Kaya "Treasure all memories together with them"
Merry Christmas.

No comments:
Post a Comment